Wednesday, January 7, 2009

Pagpapahalaga


Habang nakasakay ako sa jeep na bumabaybay sa gitna na mausok na kalsada pauwi sa aming bahay.. Narinig ko ang dalawang magka-ibigan na nag-uusap.. Tanong ng isa.. "Marunong ka bang magpahalaga?", napa-isip ako at hindi na nawala sa aking isip at parang umaalingaw-ngaw sa aking tenga... PAGPAPAHALAGA... PAGPAPAHALAGA... PAGPAPAHALAGA... Marunong nga ba ako nito? Ibababalik kosa iyo ang tanong... Marunong ka bang magpa-halaga?

Lahat ng nasa atin ay hindi permanente, dapat alagaan, dapat pahalagahan.. dahil baka bukas makalawa maaring wala na ito sa atin.. Mawawala... Mauubos... Lilisan... Parang nung bumili ka ng paborito mong cake... masaya ka.... sinimulan mo kainin, ninamnam ang bawat kagat... pero nauubos ito. bukas alaala na lang, panandaliang saya... nauubos.

Ang ating mga magulang, na nag-palaki, nag-alaga at nag-mahal sa atin. Natatandaan mo ba kung ilang beses mo nasabi sa kanila na salamat at na mahal mo sila? 5 beses? 2? o hindi pa? kelan mo balak itong sabihin sa kanila? Pag hindi ka na nila naririnig? Hindi sila permanente, alam ko at alam mo na darating ang araw na lilisan sila.. Hindi pa huli.. Hanggat andyan pa sila paramdam mo ang kanilang kahalagahan.

Ang iyong boyfriend o girlfriend... Pinapahalagahan mo ba siya? Pinapahalagahan ka ba niya? Walang perpektong relasyon, hindi pwedeng lagi kayo maayos, laging masaya. Dumadating ang ang oras na may pinag-tatalunan, at di pagkaka-intindihan, na nagpapatibay sa pagsasama.. napapag-usapan... at naaayos... 'wag silang gawing tanga sa luma at gasgas nang mga palusot.. mahaba man ang pisi niya pero may hangganan din iyon.. Pahalagahan sila ng tama, mahalin, huwag hinataying mauubos ang pisi. Hindi siya robot... Hindi ako... At ikaw man din ay hindi.. Napapagod siya, ikaw at maging ako... Tao lang tayo

Patuloy ang pag-andar ng jeep... ako'y nakatanga sa kawalan habang inaantay na makarating ito sa aming bahay... napansin ko na malubak ang daan.. Baku-bako... Parang buhay.. hindi laging masaya pero dapat nating pahalagahan.

Maya-maya nakita ko na ang kanto ng aming eskenita.. "Para!" sabay hinto ng jeep.. at bumababa na ako...

Teka! Teka! di pa ako tapos...

Sa pag-basa mo nito may natutunan ka ba? Malamang wala hindi naman ako teacher eh..
Pero naisip mo ba kng marunong ka ba talagang mag pahalaga?.... O ikaw mismo ay kulang sa pagpapahalaga.. Wag naman sana......

2 comments:

  1. Medyo namulat rin ako sa iyong mga sinabi. Nice introspection. :)

    ReplyDelete
  2. Thank you sa comment Mugen. cheers!

    ReplyDelete